NAILIGTAS | Chinese crew na inatake ng epilepsy sa karagatan ng Tawi-tawi, nasagip ng Philippine Coast Guard

Tawi-Tawi – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese crew matapos atakehin ng epilepsy habang sakay ng MV China Peace na papunta sana sa Australia sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nasagip ng Team ng PCG ang Chinese crew na nakaramdam ng epilepsy habang sakay ng MV China Peace malapit sa Laparan Island in Pangutaran, Sulu.

Paliwanag ni Balilo naalerto ang PCG Action Center sa Manila sa naturang ulat kaya at agad na inatasan ang PCG South Western Mindanao upang inspeksyunin ang naturang Chinese Cargo vessel malapit sa Pearl Bank sa Tawi-Tawi.


Nagpadala ang PCG ng BRP Malabrigo kasama ang medical team sa naturang lugar upang suriin ang kalagayan ni Mr. Zheng Le, ang crew ng MV China Peace na nakaramdam ng epilepsy.

Inilipat si Le sa BRP Malabrigo at dinala sa Zamboanga City para sa mabigyan ng medical attention kung saan ay nakipag coordinate narin ang PCG sa Chinese embassy upang ipaalam ang naturang insidente.

Facebook Comments