NAINTINDIHAN | Pagsisiwalat ni Paolo Duterte sa mga kabilang umano sa Oust Duterte Movement, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Naiintindihan ng Palasyo ng Malacañang ang ginawa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na inilahad ang mga personalidad na ayon dito ay gustong magpatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.

Ilan lamang sa mga isiniwalat na Pangalan ni Paulo Duterte na kabilang sa Oust Duterte Movement ay sina Vice President Leni Robredo, dating Vice President Jejomar Binay, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Dating Chief Justice Hilario Davice, Associate Justice Marvic Leonen, Senador Leila de Lima, Senador Riza Hontiveros at dating Senador Francisco Tatad.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi nila alam ang listahan na binabanggit ng anak ng Pangulo pero naiintindihan aniya nila ang ginawa nitong hakbang.


Paliwanag ni Panelo, kahit naman sinong anak ay hindi maiiwasang magkaroon ng reaksyon sa oras na malaman na mayroong binabalak na masama ang ibang tao sa kanyang ama.

Sinabi pa ni Panelo na bahagi lamang ito ng freedom of expression at iginagalang ng Pangulo ang anomang desisyon ng kanyang mga anak.

Hindi din naman nababahala ang Malacañang sa sinasabing mga plano laban sa Pangulo na hindi narin bago at hindi nagtagumpay.

Facebook Comments