Naipagkaloob na ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng, umabot na sa higit P119 milyon – DSWD

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa P119,644,951.53 na tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Katuwang ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan at iba pang partner nito.

Batay sa huling datos ng DSWD- Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na sa 41,262 pamilya ang nananatili pa rin sa 1,160 evacuation centers, habang 136,561 pamilya naman ang nanunuluyan sa ibang lugar.


Naapektuhan ng Bagyong Paeng ang nasa 1,120,611 pamilya mula sa 8,782 barangays sa National Capital Region (NCR); Cordillera Administrative Region (CAR); Regions I, II, III, V at XII; Calabarzon; Mimaropa; Caraga at BARMM.

Habang, nasira naman ang ilang bahay sa mga nabanggit na lugar, kung saan 2,307 ang totally damaged at 13,491 ang partially damaged.

Facebook Comments