Naipalabas na ayuda sa second tranche ng Social Amelioration Program, umabot na sa P6.8 billion

Umabot na sa P6.8 billion ang naipamahagi ng pamahalaan sa 1.4 million family beneficiaries ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Habang nasa P64.3 million naman ang naipamahagi sa 11,383 waitlisted beneficiaries na hindi nakasama sa unang tranche ng SAP.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, bukas ay sisimulan nila ang inisyal na digital electronic disbursement ng SAP sa pamamagitan ng transaksyon sa banko o e-money accounts.


Kabilang sa e-bank partners ng DSWD ay ang GCash, PayMaya, Union bank, RCBC, Starpay, at Robinsons bank.

Paliwanag ng kalihim, padadalhan ang mga beneficiaries na nagparehistro sa Relief Agad application ng mensahe sa kanilang binigay na mobile number.

Matatanggap nila ang ayuda sa loob ng 24 oras pagkatapos mailipat sa Landbank ang pondo.

Facebook Comments