Manila, Philippines – Naipamahagi na sa mga tropa ng PNP Special Action Force (PNP-SAF) ang kalahati sa nawawalang halos 60 million pesos additional subsistence allowance.
Ayon kay outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa, aabot sa 37 milyong piso ang ibinalik sa SAF.
Hahatiin sa dalawang bagsakan ang pagbibigay ng nawawalang pondo.
Nag-ugat ang kaso sa hindi pagbibigay ng additional daily allowance na 30 pesos kada araw sa bawat SAF commandos sa loob ng higit dalawang taon.
Sa reklamo ay napag-alamang sina dating SAF Commander Director Benjamin Lusad at dating SAF Budget Officer Senior Superintendent Andre Dizon ang nadadawit sa kaso.
Humingi ng tawad ang dalawa dahil sa iba nila ginamit ang pera pero hindi nila maibigay ang pruweba kung paano nila ito ginastos.
Bukod kina Lusad at Dizon, kinasuhan din ng plunder sina SPO3 Maila Bustamante at spo1 James Irica na sinibak na sa kanilang pwesto.
Ang kasong plunder ay isang non-bailable offense.