WELCOME DEVELOPMENT | Pagdami ng gustong makipag kompetensya sa TNC, welcome sa Grab

Manila, Philippines – Welcome development para sa Grab Philippines ang pagpasok ng Hype at pagsulpot pa ng ibang TNCs sa industriya ng Transport Network Companies (TNC).

Ayon kay Atty. Miguel Aguila, abogado ng Grab, apat na taon din nilang hinarap ang kumpetisyon ng Uber sa Pilipinas kung kaya at hindi na sila maninibago kung dumami ang bilang ng TNCs.

Maliban sa Hype na aprubado na ang accreditation, balak din makilahok ng kumpanyang Owto, Lag Go at I-Para.


Sa kasalukuyan, umakyat sa 14% ang supply base o dami ng kanilang active partner drivers.

Pero, dahil sa pagkabili ng Grab Philippines sa Uber Philippines, maaring magdagdag pa sila.

Facebook Comments