Nagsimula nang hakutin ang mga naipong basura sa Lingayen matapos buksan Muli ang Metro Waste Solid Waste Management Sanitary Landfill sa Urdaneta City.
Nagsagawa umano ng clearing operation ang nasabing landfill kung kaya’t ilang araw na hindi naka kolekta ng basura ang lokal na Pamahalaan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay MENRO Lingayen Planning Officer II Grace Satuito, kailangan umanong patigilan ang koleksyon ng basura mula sa 32 barangay ng Lingayen upang maiwasang mapuno ang Material Recovery Facility ng bayan.
Dahil dito, nananawagan ang tanggapan sa kooperasyon ng publiko sa unti-unting panunumbalik ng normal na operasyon sa koleksyon at transportasyon ng basura mula sa mga barangay upang magkaroon ng espasyo ang pasilidad.
Kaugnay nito, bagaman naiintindihan ng tanggapan ang pansamantalang tigil operasyon ng landfill, hiling naman ng mga ito ang maagang abiso upang hindi masayang ang gasolina sa pagbyahe ng mga dumptrucks sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments