Manila, Philippines – Posibleng magkakaroon na ng National I.D. ang lahat ng Pilipino sa taong 2023.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Philippine Statistics Authority Usec. Lisa Bersales na naisapinal na nila ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa National Philippine Identification System.
Aniya, susunod na linggo ay sisimulan na ang bidding para sa tinatawag na “proof of concept” kung saan ite-test ang proseso ng registration, validation at hanggang sa pag-iisyu ng National I.D.
Aabot sa 25 milyong mga Pilipino ang target na magka-I.D. sa 2021 at 2022.
Oras na makuha na ang National I.D. pwede na itong gamitin sa mga transaksyon sa iba’t ibang gobyerno.
Pero paglilinaw ni Bersales, hindi sakop ng National I.D. System ang pasaporte, driver’s license at iba pang kahalintulad na I.D.