Manila, Philippines – Bumaba ang naitalang death under investigation ng Philippine National Police (PNP) ngayong taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, bumaba na sa 25 hanggang 29 kada linggo ang death under investigation o mga pagpatay na hindi pa tukoy ang salarin.
Ito ay mula sa naitalang 100 kada linggo noong unang anim na buwan ng kampanya kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.
Sabi ni Durana, higit 2,000 naman ang kabuuang naitalang death under investigation sa nakalipas na dalawang taon.
Facebook Comments