Manila, Philippines – Umabot sa 5.3 billion pesos na halaga ng fake at counterfeit goods ang nasabat sa Pilipinas sa unang kwarter ng 2018.
Ayon kay Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) Director General Josephine Santiago, hindi pa kasama rito ang halaga ng mga nakumpiska sa panig naman ng Bureau of Customs (BOC).
Sa datos ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR), ang Philippine National Police (PNP) ang may pinakamataas na naiambag sa pagsabat ng mga pekeng produkto na may 94% o 5 billion pesos.
Kasunod nito ang National Bureau of Investigation (NBI) na may 209 million pesos, Optical Media Board (OMB) na may 103 million pesos worth confiscated goods.
Karamihan sa mga nakumpiskang mga produkto ay pekeng sigarilyo at mga kagamitan sa paggawa nito, mga handbag at pitaka, footwear, at optical media.
Naniniwala ang IPOPHL na maaring malagpasan nila ang 8.2 billion pesos na halaga ng fake and counterfeit items na nakuha noong 2017.