NAITALA | Higit 500,000 pamilya, apektado ng habagat – DSWD

Manila, Philippines – Pumalo na sa higit 500,000 pamilya ang apektado ng pag-uulan dala ng hanging habagat.

Sa huling tala ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 2,187,409 na indibidwal ang naapektuhan ng habagat sa 1,789 na barangay sa Region 1, 3, 6, CAR, NCR, CALABARZON, at MIMAROPA.

Aabot na sa halos 78,000 pamilya o higit 340,000 na indibidwal ang inilikas dahil sa pagbaha sa mga rehiyon ng NCR, 1, 3, 6 <maps.google.com/?q=NCR,+1,+3,+6&entry=gmail&source=g>, at CAR kung saan 190 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang nasa higit 77,000 pamilya ang nakituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.


Nasa higit 8,000 kabahayan ang napinsala.

Sa ngayon, aabot sa halos ₱93,000,000 na halaga ng ayuda na ang naihatid ng DSWD sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments