NAITALA | Higit 60 patay sa air strike sa Somalia

Somalia – Pumalo sa 62 militants ang napatay sa ikinasang anim na air strike ng United States military sa Gandarsh, Banaadir Province.

Ayon sa Africa command, apat na air strike ang pinakawala nitong Sabado kung saan 34 ang patay.

Dalawang air strike naman ang inilunsad kahapon na ikinamatay ng nasa 28.


Layunin ng air strike na mapigilan ang mga terorista na gamitin ang mga remote areas para pagkutaan.

Wala namang sibilyan ang nadamay sa mga air strike.

Facebook Comments