BATAS MILITAR | One-year martial law sa Mindanao, may factual basis – DOJ

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na may factual basis ang isa pang taong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Guevarra – mahihirapan lamang magtagumpay ang mga grupong nagpa-planong maghain ng apela sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa naturang desisyon.

Sabi pa ng kalihim – tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang nakakatanggap ng impormasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang mga law enforcement agency na patuloy ang karahasang isinasagawa ng makakaliwang grupo.


Isa pa aniya, kung napatunayan na ng mga ebidensyang inihain sa Senado at Kongreso na dapat pang palawigin ang martial law ay tiyak nang mahihirapan ang mga ito.

Gayunpaman, iginiit ni Guevarra na handa ang Korte Suprema na dinggin ang anumang ihahaing apela tungkol sa martial law extension.

Facebook Comments