Manila, Philippines – Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng walang trabaho sa buong bansa. Base sa January 2018 labor force survey ng PSA, nagtala ang ncr ng 7.8 percent na unemployment rate sa kabuuang 9,142 na working population na may edad 15 taon pataas. Sumunod naman sa ikalawa at ikatlong pwesto na may pinakamarami ang walang trabaho ay ang Ilocos region at Calabarzon na may 6.7 percent. Pero sa kabuuan ay bumaba naman ang unemployment rate sa buong bansa. Naitala ang 5.3 percent na unemployment rate na ayon sa National Economic and Development Authority ay pinakamababang naitala sa kaparehong buwan sa nakalipas na dekada.
Facebook Comments