Naitalang 5.4% inflation rate ng Pilipinas, nakapaloob pa sa forecast range ng BSP

Nakapaloob pa sa inaasahang forecast range ang naitalang inflation rate na 5.4 percent noong May.

Ito ang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP matapos makapagtala ng 5.4 percent ang Pilipinas.

Ayon sa BSP, ang inflation outturn ay consistent pa rin sa kanilang assessment na 5.0 to 5.8 percent dahil sa ”supply side pressures.”


Dagdag pa ng BSP, inaasahang makakamit ng bansa ang target range na 3% sa 2023.

Paliwanag ng BSP, ang mataas na inflation rate ay dahil sa pabago-bagong presyo ng global commodity at supply chain disruption.

Kaugnay nito, patuloy namang mino-monitor ng BSP ang pag-review ng emerging price developments, inflation outlook and growth para sa nalalapit na monetary policy meeting sa June 23.

Facebook Comments