Labor Sec. Bello at incoming DOLE secretary, nagkausap na hinggil sa transition ng pamumuno sa departamento

81

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapagpulong na si Labor Secetary Silvestre Bello III at si incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Nagpulong ang dalawa hinggil sa transition sa departamento bago lumipad patungong Geneva, Switzerland si Bello.

Bukod kay Laguesma, nag-usap na rin sina Bello at incoming Migrant Workers Secretary Susan Ople.


Inaasahan ng DOLE na magiging mabilis at maayos ang pag-upo ni Laguesma dahil hindi na siya bago sa Labor Department kung saan minsan na rin siyang naging kalihim nito.

Facebook Comments