Naitala sa National Capital Region (NCR) ang kalahati ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nabatid na narekord kahapon ang 8,019 new cases ng COVID-19, mataas sa 7,999 cases na naitala noong March 20.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 671,792 ang kabuoang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Tingin ni Duque, ang presensya ng mga UK at South African variants ay isa sa dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso.
Bukod dito, nakadagdag din sa pagtaas ng kaso ang pagluluwag ng quarantine measures at pagbubukas ng ekonomiya.
Umapela ang DOH sa publiko na tumulong na mapigilan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols.
Facebook Comments