Halos 500 na lamang ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kahapon.
Ito ang inihayag ng independent analytics group na OCTA Research batay sa inilabas na datos ng Department of Health kung saan pumalo na lamang sa 3,788 ang naitalang new cases ng COVID-19 kahapon, Pebrero a-onse.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 486 na lang ang naitalang bagong kaso ng sa Metro Manila na syang pinakamababang na i-record ngayong taon.
Mas mababa ito sa naitalang 600 na kaso noong Huwebes, February 10.
Nangunguna naman ang lungsod ng Maynila sa may 91 new cases, sinundan ito ng:
• Quezon city – 90 new cases
• Makati – 49 new cases
• Pasig – 39 new cases
• Parañaque – 29 new cases
• Taguig – 27 new cases
• Caloocan – 26 new cases
• Las piñas – 26 new cases
• Pasay – 25 new cases
• Muntinlupa – 19 new cases
• Mandaluyong – 18 new cases
• Valenzuela – 17 new cases
• Marikina – 9 new cases
• San juan – 9 new cases
• Malabon – 4 new cases
• Navotas – 4 new cases
• Pateros – 1 new case