Naitalang fireworks-related injuries, umakyat na sa 167 ayon sa DOH

Umakyat na sa 167 ang naitalang fireworks-related injuries sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos makapagtala ng karagdagdang 14 ngayong araw.

Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 39% kumpara sa 120 cases noong 2020 habang mas mababa naman ito ng 59% sa five-year average ng parehong panahon na may 403 na kaso.


Nabatid na ang naitalang 65 na kaso ay mula sa Metro Manila.

Kabilang sa mga paputok na ito ay ang kwitis, boga, luces, at 5-star.

Samantala, nakapagtala rin ng 18 na kaso ng illegal discharge of firearms ang Philippine National Police (PNP) simula December 16 hanggang January 2, 2022.

Facebook Comments