DOH, nakapagtala ng 4,084 na panibagong kaso ngayong araw

66

Nakapagtala ng 4,084 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa 4,600 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2,855,819 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 24,992 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 497 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,779,241 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51,586 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 16 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong January 1 at dalawampu’t isang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments