Umabot na sa “danger level” ang naitalang heat index sa Tuguegarao City sa Cagayan dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.
Ang heat index ay init o alinsangan na nararamdamang ng isang tao sa kanyang katawan.
Sa pagtataya ng PAGASA, umabot kahapon sa 42 degree celsius ang heat index sa Tuguegarao at posibleng tumaas pa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, ang danger level ng heat indez ay nasa pagitan ng 42 hanggang 51 degrees celsius.
Bukod sa Tuguegarao, posible ring maitala ang danger level heat index ngayong buwan sa Bacnotan, La Union; Calapan, Oriental Mindoro; Coron, Palawan; at Cotabato City, Maguindanao.
Kasabay nito, nagbabala ang ahensya sa publiko hinggil sa posiblidad na makaranas ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke ang mga taong nakababad sa araw.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang matinding pagpapawis, sobrang pagod, pagkahilo, pagsusuka, mabilis na pintig ng pulso at pagkahimatay