Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang paglagpas ng global COVID-19 death toll sa isang milyon.
Para kay WHO technical lead for COVID-19 na si Maria Van Kerkhove, ito ay “heartbreaking” dahil available naman na sa buong mundo ang test, treatment, vaccines at public health measures upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Ayon kay Kerkhove, karamihan sa publiko ang naging manhid na sa mga numerong naitatala dahil sa COVID-19 ngayong nasa ikatlong taon na tayo ng pandemya.
Dahil dito, dapat magkaroon na ng reality check dahil hindi dapat pinapalagpas na may 14,000 hanggang 15,000 katao ang namamatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo kada linggo.
Simula nang ma-detect ang virus sa China noong 2019, pumalo na sa halos 6.45 milyong katao ang naitala ng WHO na namatay sa COVID-19.