11 na katao ang nasawi at dalawa ang sugatan sa Bicol Region at CALABARZON matapos manalasa ang Bagyong Rolly.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa ngayon, wala pang report ang NDRRMC kung ilan ang missing pero nakapagtala sila ng 372,716 families o 1,468,296 indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Sa bilang na ito, 114, 383 families ay tumutuloy ngayon sa mga evacuation center.
Ang mga apektadong pamilya ay naitala sa Region 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA at Region 5.
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na may 177 COVID patients at 417 medical staff sa sampung mega at local quarantine facilities ang inilikas din dahil sa bagyo.
Naitala rin ng NDRRMC ang 19 na road section at 4 na tulay na naapektuhan ng pagbaha, pagguho ng lupa at mga nabuwal na puno.
May 147 siyudad at munisipyo rin sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA at Region 5 at Region 8 ang nakaranas ng kawalan ng supply ng kuryente.
Habang 114 siyudad at munisipyo naman ang nawalan ng supply ng tubig.