Umakyat na sa 50 indibidbwal ang naitatalang namatay matapos na manalasa ang bagyong Ursula sa ilang lugar sa bansa.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa kanilang datos, 7 ang nasawi sa MIMAROPA, 26 sa Region 6, 1 sa Region 7 at 16 sa Region 8.
Habang 143 indibidwal na ang naitatalang sugatan at 5 na lamang ang missing mula sa syam.
Ang mga nawawala pa ay na-monitor ng NDRRMC sa Occidental Mindoro at Aklan.
Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bayong Ursula.
Facebook Comments