NPDC, umapela sa mga sasalubong ng Bagong Taon sa Luneta Park

Manila, Philippines – Umapela sa publiko si National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecille Lorenzana na sasalubong sa Bagong Taon sa Luneta Park sa Maynila na tulungan silang panatilihing malinis ang kabuuan ng national park.

Sa ngayon kakaunti pa ang mga namamasyal at kakaunti din ang mga vendor sa Luneta.

Batay sa schedule ng NPDC, alas sais pa lang ng gabi mamaya aarangkada na ang programa sa Luneta para sa kanilang New Year Countdown.


Iba’t ibang banda ang naka-schedule na magtanghal ngayong gabi at may mga palaro din ang NPDC sa mga manonood.

Pagtuntong ng alas dose ng hating gabi ay magkakaroon ng fireworks display sa Luneta na inaasahang tatagal ito ng 15 minuto.

Facebook Comments