Naitala sa lungsod ng Navotas na mula sa mga workplace at households ang pinakamaraming nagpopositibo sa COVID-19.
Base sa encoding ng isinagawang contact tracing sa positive cases ng lungsod mula August 8 hanggang 13, halos kalahati sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas ay sa household at sa lugar ng trabaho nahawa ng sakit.
Ayon kay City Health Officer Dr. Christia Padolina, lumabas na halos kalahati o 42% ng mga nagkasakit ay sa household at workplace.
Marami rin sa mga nahuling lumabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols ang nagpositibo sa sakit na naitala sa 104% o 22%.
Dahil dito, muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente na maging maingat at ugaliin ang pagsunod sa health at safety protocols lalo’t karamihan sa mga violators ay asymptomatic at hindi rin close contacts ng positive cases pero carrier naman ng virus.