Naitalang patay sa nahulog na bus sa bangin sa Nueva Ecija, umabot na sa 24 katao

134

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Sr. Supt. Antonio Yarra ang provincial Director ng Nueva Ecija na 24 na ang patay matapos mahulog sa walumpung talampakang lalim ng bangin ang isang pampasaherung bus na may plakang AVZ 757 sa Brgy. Kapintalan, Carranglan, Nueva Ecija, pasado alas onse kaninang umaga.

Sa panayam kay Yarra, nasa 45 pasahero ang sakay ng bus na nanggaling sa Isabela at patungo sa Candon, Ilocos Sur.

Sa ngayon nagpapatuloy ang rescue operation sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Habang dinala na sa ospital sa Bambang, Nueva Viscaya ang mga sugatan at kritikal sa malagim na aksidente.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ng pulisya kung ano naging sanhi ng aksidente dahil nakatuon pa sila ngayon ang rescue and retrieval operation.
Nation

Facebook Comments