LGU Cauayan, nagbigay ng tulong pinansiyal sa pamilya ng tatlong mag -aaral na nalunod noong Sabado De Gloria

Isabele, Philippines – Personal na iniabot kahapon ng mga opisyal ng LGU Cauayan ang tulong pinansyal sa pamilya ng tatlong mag-aaral na nalunod noong Sabado De Gloria sa barangay Duminit siyudad ng Cauayan.

Matatandaan na nalunod ang mga mag-aaral na sina Carla Mae Maramag, Rachel Domingo at Rhea Labog na pawang labing isang taong gulang at residente ng nasabing barangay habang sila ay nagpi-picnic noong araw ng Sabado kasama ang kanilang mga kamag-anak.

Napadako ang mga biktima sa malalim na bahagi ng ilog na dahilan ng kanilang pagkakalunod.


Maliban sa pinansiyal na tulong, nagbigay din ang city government ng grocery items.
Nation

Facebook Comments