Maituturing na pinakamahabang surge ng COVID-19 sa Pilipinas ang record-high na bilang ng mga sakit.
Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research group na narating na ng Metro Manila ang peak o pinakamataas na daily average cases ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Molecular Biologist-Priest Rev. Fr. Nicanor Austriaco, malaki ang epekto ng kaso sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung saan patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso.
Pero para kay Dr. Edsel Salvana, infectious disease specialist at miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH), hindi pa rin maituturing na panibagong wave ng sakit ang nangyayari sa bansa.
Sa buong bansa, tanging ang region 7 at 10 pa lamang ang nakakapagtala ng negative growth rate kaya pwede pang tumaas ang bilang ng kaso sa bansa.