Naitalang vaccine wasteage maliit na porsyento lamang – NVOC

Wala pang isang porsyento ang naitalang vaccine wasteage sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na kahit maliit lamang itong porsyento ay nakakapanghinayang pa rin.

Lalo’t ang ilan dito ay donasyong bakuna ng COVAX Facility at ang iba ay binili ng pribadong sektor.


Kasunod nito, nag-request na rin sila sa mga probinsya at munisipyo na dalhin ang mga expired na bakuna as of November 30 sa mga regional office upang i-quarantine, aaralin ang shelf life at kung pupwede pa itong magamit.

Inihalimbawa nito ang Pfizer vaccine na napaso nitong November 30 na in-extend ang shelf life hanggang 3 buwan dahil base sa pag-aaral ng mga eksperto, nananatili pa rin itong mabisa at epektibo.

Sinabi pa ni Cabotaje na titignan nila kung ano pa ang maggawa sa mga bakunang expired na kung saan karamihan nito ay AstraZeneca.

Facebook Comments