Naitatalang adverse effects ng COVID-19 vaccines, nananatiling mababa

Nananatili sa acceptable rate ang bilang ng mga naitatalang adverse event sa mga indibidwal na naturukan ng COVID-19 vaccines.

Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration kung saan sa ngayon ay wala pang isang porsyento o 0.10 percent lamang mula sa kabuuang 75.6 million indibidwal ang nakaranas ng adverse effects.

Kinabibilangan ito ng 76,837 indibidwal na nakaranas ng pagtaas ng blood pressure, pagkahilo, lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at parte na binakunahan.


Nilinaw naman ni FDA Director-General Eric Domingo na ligtas at epektibo ang lahat ng ginamit na COVID-19 vaccines ng gobyerno para sa inoculation program.

Facebook Comments