Mock election, isasagawa ng COMELEC bago matapos ang taon

58

Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng mock election bago matapos ang 2021 bilang bahagi ng preparasyon sa 2022 election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, ang mock election ay isasagawa sa huling linggo ng Disyembre.

Aniya, wala pang eksaktong petsa para sa mock election dahil inihahanda pa ang mga kinakailangan dito.


Kabilang aniya sa aasahan sa mock election ang pagpila at magiging galaw ng mga botante sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments