Naitatalang election-related incidents ngayong 2022 elections, bumaba – PNP

Bumaba ang naitatalang election-related incidents ng Philippine National Police (PNP) ngayong panahon ng eleksyon kumpara sa nakalipas na dalawang huling halalan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, hanggang noong April 18, nasa 28 na ang naitalang election-related incident sa bansa pero lima pa lamang dito ang kumpirmado.

Mas mababa ito kumpara sa 133 validated election-related incidents na naitala noong 2016 national elections at sa 60 insidente noong 2019 midterm elections.


Sa ngayon, nasa 104 munisipalidad at 14 na lungsod ang nakasailalim sa “red category” na mahigpit na binabantayan ng mga awotridad dahil sa seryosong banta sa seguridad para sa darating na halalan sa Mayo.

Samantala, bagama’t hindi naman itinuturing na election-related incident ang nangyaring pagpapasabog sa isang bus sa Parang, Maguindanao ay maghihintay ng rekomendasyon ang PNP sa posibilidad na maisama ito sa red category gayundin ang posibleng pagsasailalim sa Maguindanao sa Comelec control.

Facebook Comments