Aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela, 11 na lang

24
Cauayan City, Isabela- Labing-isa (11) nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng mga health authorities sa buong Isabela base sa pinakahuling datos ngayong araw, Abril 25,2022.

Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Alicia, Cabatuan, Cauayan City, Ramon, Reina Mercedes, at Santiago City.

Dahil dito, umabot na sa 69,013 ang total cumulative cases at 66,752 ang recoveries habang naitala naman ang 2,250 na COVID related deaths.

Samantala, nadagdagan ng isang (1) pasyenteng nakarekober mula sa sakit habang nakapagtala ng dagdag na isang tinamaan ng virus.

Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments