Naitatalang election related violence ng PNP, nanatiling mababa

Mababa pa rin ang naitalang election-related violence sa bansa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos, may naitala silang 13 verified election-related violence.

Ito ay mababa kung ikukumpara sa nakaraang halalan.


Umaasa aniya sila na hindi na ito madadagdagan habang papalapit ang Mayo 9.

Kasabay nito, siniguro ni Carlos na patuloy ang ginagawa nilang paghahanda katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Nakalatag na rin aniya ang kanilang contingency plan para matiyak na magiging mapayapa ang halalan sa bansa.

Facebook Comments