Labi ng 5 bata na nalunod sa Taal Lake, narekober na

Na-recover na ng Joint Search and Retrieval (SAR) team ang katawan ng limang batang nalunod habang naliligo sa Taal Lake, sa bahagi ng Barangay Looc, Balete, Batangas.

Ang 5 bata na pawang menor de edad ay nalunod kahapon ng tanghali.

Kabilang sa tumulong sa underwater search sa mga bata ang divers ng Philippine Coast Guard (PCG) .


Ang mga biktima ay natagpuan sa hindi magkakalayo na bahagi ng Taal Lake.

Facebook Comments