Naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba ayon sa OCTA

Nakitaan na ng pagbaba ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa average na 700 cases kada araw ang naitatala na malapit na sa 500 cases kada araw na nangyari noong kakasimula pa lamang ng pandemya noong Marso 2020.

Umaayon din ang naitatalang kaso sa Average Daily Attack Rate (ADAR) na 5.07 per 100,000 na maikokonsiderang nasa “moderate-low.”


Maliban dito, nananatili naman sa ‘safe levels’ ang health care utilization kung saan nasa 35 percent ang hospital bed occupancy; 42 percent ICU bed occupancy, at 31 percent mechanical.

Samantala, oras na kumalat ang Delta variant sa bansa inamin ni molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco na malaki ang posibilidad na ma-strain na ang Pilipinas.

Dahil dito, mas papaigtingin pa ang contact tracing upang matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga kaso na inaasahang magkakaroon din ng malaking epekto sa healthcare system ng bansa

Sa ngayon ay nananatili sa 17 ang tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 na pawang mga biyahero mula sa ibang bansa na pumasok ng Pilipinas.

Facebook Comments