Naitatalang Panibagong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumababa na

28

Cauayan City, Isabela- Bumababa na rin ang bilang ng mga naitatalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, Disyembre 1, 2021, nakapagtala na lamang ang probinsya ng 25 na bagong tinamaan ng COVID-19.

Mayroon namang 56 na naitalang bagong gumaling at isang nasawi.


Kaugnay nito, muling tumaas sa 58,091 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa nasabing sakit samantalang umaabot naman sa 2,045 ang total COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, nasa 60,559 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments