Pagtulong kasabay ng pagkita sa negosyo, paraan ng isang business garments ngayong pandemya

108

Kakaibang paraan ang ginawang diskarte ng isang negosyo hindi lamang para kumita ngunit makatulong din sa publiko.

Sa programang Business As Usual, sinabi ni Randy Espra na may-ari ng Espra Garments na aabot sa 52 manggagawa ang kanilang natulungan na katumbas ng 52 pamilya upang magkatrabaho sa gitna ng pandemya.

Dati, tumutulong ang Espra Garments sa paggawa ng face mask at PPEs na gagamitin ng mga komunidad at mga ospital.


Pero sa dahil panahon na ng eleksyon, tumutok na sila sa paggawa ng t-shirt maging ang mga ginagamit sa pangangampanya.

Facebook Comments