Naitayong Emergency Quarantine Facilities ng AFP sa buong bansa, umabot na sa 74

Muling nakapagtayo ng dalawang units ng Emergency Quarantine Facilities (EQF) ang mga sundalo katuwang WTA Architecture+Design Studio sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, isinagawa ang turn over ng bagong mga EQF nitong June 30, 2020.

 

Aniya, ang dalawang itinayong EQF ay kayang mag-accommodate ng 25 pasyente na nakakaranas ng mild at asymptomatic sa COVID-19.


Pinondohan ang proyektong ito ng Reckitt Benckiser Philippines at ng city government ng Taguig.

Sa ngayon ayon kay Zata, umabot na sa kabuaang 74 na EQF ang naitayo ng mga sundalo sa buong bansa.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff, General Felimon Santos Jr na magpapatuloy ang dedikasyon ng AFP sa pagtatayo ng mga EQF na malaking tulong lalo na ngayong nakakaranas ng pandemya.

Facebook Comments