Naitulong sa publiko, mas dapat bigyang-pansin kesa isyu sa bagong logo ayon sa pamunuan ng PAGCOR

Walang epekto sa morale ng mga empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kaugnay mga batikos sa kanilang bagong logo.

Ito ang iginiit ni PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Alejandro Tengco matapos nilang ilunsad ang bagong logo nitong isang linggo.

Sa isang ambush interview sa Clark, Pampanga, sinabi ni Tengco na karamihan naman sa kanilang mga empleado ay pabor sa kanilang bagong logo.


Nanindigan si Tengco na ginawa nila ang isang mabuting desisyon sa paglulunsad ng bagong logo at isa itong management prerogative na sana aniya ay igalang na lamang ng publiko.

Ayon pa kay Tengco na sana naman ay hindi ang isyu sa bago nilang logo ang bigyang pansin sa halip dapat ang magaganda nilang nagawa at napakinabangan ng maraming Pilipino.

Isang halimbawa na nga aniya ay ang pagpopondo at suporta nila sa ipatatayong Clark Multi Specialty Medical Center sa Clark, Pampanga, at sa iba pang bahagi ng bansa.

Facebook Comments