NAIUWI NA NG BANSA | Labi ng Pinay worker na nasawi sa lindol sa Taiwan, naibalik na sa kanyang pamilya sa Tuguegarao

Manila, Philippines – Nadala na sa Tuguegarao City sa Cagayan ang labi ng Overseas Filipino Worker na si Melody Castro na nasawi sa magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Deputy Administrator Arnel Ignacio, tinaggap ng pamilya ni Melody ang P200,000 na pinansyal nilang tulong.

Maliban pa rito ang P50,000 na livelihood assistance.


Habang inaayos na rin aniya nila ang insurance ni Melody.
<#m_-2107573263864400479_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments