SK FUND | DILG, pinaalala sa mga barangay ang deadline ng pagsusumite ng annual report

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga barangay hinggil siya hinihingi niyang annual report kaugnay sa Sangguniang Kabataan (SK) funds bago mag-March 15.

Giit ni DILG OIC Eduardo Año, dapat matiyak na ginamit sa kapakanan ng mga kabataan ang pondong inilaan para sa SK.

Batay sa guidelines ng allocation and utilization of SK funds na inisyu ng COMELEC noong 2017, 10% ng general fund ng mga barangay ang inilaan sa SK.


Nakasaad din sa guidelines na ang SK funds ay dapat inilaan din para sa mandatory training ng mga opisyal.

Facebook Comments