Manila, Philippines – Siniguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na updated ang Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng mga residenteng apektado ng bulkang Mayon.
Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, patuloy ang direktang ugnayan ngayon ng pangulo at ni NDRRMC Exec. Dir. Usec. Ricardo Jalad
tinitiyak anya ni Jalad sa presidente na laging naka alerto ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan para tumugon sa anumang pangangailangan ng mga residente sa Albay.
Araw-araw din anyang nagpapadala ang NDRRMC ng presidential briefer sa Malacañang tungkol sa mga sitwasyong binabantayan nila ngayon.
Sa ngayon batay sa rekord ng NDRRMC, nasa 20 milyong piso na ang inilalabas na pondo ng pamahaalan para sa ayuda ng mga apektado ng bulkang Mayon.