Nangangamba ang 700 kasapi ng Samahan ng mga Manggagawa ng Paliparan sa Pilipinas o SMPP sa napipintong pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay SMPP President Roy Quismoro, sinimulan na nila ang pagsasagawa ng silent protest sa social media at sa susunod ay magpoprotesta aniya sila sa Manila International Airport Authority (MIAA) Administration Building kada alas dose ng tanghali hanggang ala una ng hapon na oras ng kanilang lunch break.
Ayon kay MIAA Genral Manager Ed Monreal, nauunawaan naman niya ang naging hakbang ng mga manggagawa basta’t alinsunod lamang sa batas ang kanilang gagawing kilos protesta.
Kampante naman ang ilang manggagawa na isasama ang mga manggagawa sa anumang usapin ng NAIA Consortium Negotiation.
Ang mga miyembro ng SMPP ay binubuo ng 700, bukod pa sa mga tauhan ng Airport Police Department (APD) at Rescue and Firefighting Employees.