Naka Duty na Sekyu, Patay nang Matagpuan sa Cauayan City

31

Cauayan City, Isabela- Patay na nang matagpuan ang isang gwardiya na kasalukuyang nagbabantay sa isang pribadong establisyimento sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cauayan City Police Station, bandang alas 6:00 ngayong umaga, September 14, 2021 nang matagpuan ang wala nang buhay na security guard na kinilalang si Freddie Andres, 46 taong gulang, may asawa, at residente ng Sipat St., Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, isa sa mga bystander sa lugar ang nakapansin sa nakaupong sekyu na hindi na ito gumagalaw dahilan upang itawag sa Rescue 922.

Sa pagresponde ng mga rescuer, idineklara nang patay ang biktima.

Batay pa sa pagsisiyasat ng mga otoridad, naibahagi ng asawa ng biktima na si Ginang Novenia Andres, dati nang nakaranas ng comatose ang kanyang asawa at nadala rin sa ospital dahil sa stroke.

Kaugnay nito, naniniwala naman ang pamilya at kaanak ng biktima na siya namatay sa stroke habang nakabantay sa pinagtatrabahuan nito.



Facebook Comments