DOH, nilinaw na hindi tayo nagluwag sa quarantine protocols sa ilalim ng alert level system

69

Iginiit ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na hindi tayo nagluwag sa quarantine protocols ngayong magsisimula na ang pagpapatupad ng alert level system.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Vega na gumamit tayo ng ganitong sistema para hindi na lahat ng lugar ang isailalim sa lockdown at tanging ang mga may mataas na COVID-19 cases lamang.


Aniya, ginawa rin ito ng pamahalaan para hindi na magdulot pa ng kalituhan sa publiko kung anong quarantine status ang ipina-iiral sa isang lugar.

Dagdag pa ni vega, kinakailangang magpatuloy na ang pagbubukas ng ating ekonomiya lalo na’t hindi naman tumitigil ang ating vaccination rollout.

Facebook Comments