NAKA ENGKWENTRO NG 86TH IB, 205TH MANEUVER COY AT 95THIB, IISA LANG!

630

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ng 5th ID ng Philippine Army na ang mga NPA na nakasagupa ng 205 th Maneuver Company ng PNP at 86th IB sa San Guillermo, Isabela ay sila din ang naka engkwentro ng 95th IB sa San Mariano, Isabela kahapon.

 

 

Sa panayam kay Major Noriel Tayaban, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, nag split ang grupo ng CPP NPA sa San Guillermo at tumakbo ang iba sa bayan ng San Mariano. Tinatayang aabot sa mahigit 10 ang bilang ng NPA ang nakasagupa ng 95th IB sa naturang bayan.


 

 

Dagdag pa ni Maj. Tayaban sa panayam ng 98.5 iFm, nakarekober sila sa pinangyarihan ng labanan ng tatlong bagpack na naglalaman ng personal na gamit, bala, magazine, medicine kit at mga subersibong babasahin at dokumento. Muling binigyan diin ni Maj. Tayaban na magre group o mag split man ang grupo ay hindi sila titigil hanggat hindi tuluyang napupuksa ang itinuturing nilang teroristang pangkat.

 

Iginiit pa ni Tayaban na kakampi nila ngayon ang mamayan na silang nagsusumbong sa kanila. Ang bayan ng San Mariano ay kilalang balwarte ng CPP NPA ngunit ayon sa 5th ID, marami nang barangay ng naturang bayan ang nagdeklara nang persona non grata sa rebeldeng grupo.

 

Kinondena din ni Maj. Tayaban ang sinasabing pangingikil sa NPA sa mga maliliit ng negosyante.

Facebook Comments