Isang pamilya, nailigtas ng aso sa sunog

Nakaiwas sa tiyak na kapahamakan ang isang pamilyang may apat na miyembro matapos magbigay ng babala ang alaga nilang 6-taon gulang na Labrador.

Mahimbing na natutulog ang pamilya nang magsimula ang apoy sa kanilang bahay sa California, USA, hatinggabi ng Oktubre 21, ayon sa Facebook post ng Vacaville Police Department.

Nang mapansin ng asong si Maggie ang apoy, nagsimula itong gumawa ng iba’t-ibang ingay gaya ng pagtakbo, pagtahol, at pag-ungol.


Dahil dito, nagising ang nanay ng pamilya at ligtas na nakalabas ang lahat sa bahay bago tuluyang lumaki ang apoy.

Dumating ang awtoridad matapos makatanggap ng tawag mula sa mga kapitbahay.

Isinantabi naman ang anggulo ng arson matapos ang imbestigasyon at sinabi ng pulisya na aksidente ang nangyaring sunog.



Facebook Comments