NAKA-MOVE ON NA | Kris Aquino, no comment sa pagkakaroon ng 2nd baby ni James Yap

Manila, Philippines – No comment ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagkakaron ng second baby ng dating asawa nito na si James Yap sa Italian partner na si Michela Cazzola.

Say ni Kris, matagal na daw siyang naka-move on sa paghihiwalay nila ni James kaya at wala na daw siyang pakialam kung ano ang nangyayari sa buhay nito.

Ito ang naging pahayag ni Kris matapos tanungin ng ilang netizens kung anong masasabi niya sa pagkakaron ng second baby kung saan may baby girl na si James.


Sa huli sinabi ni Kris, na focus muna siya sa kaniyang career at sa kinabukasan ng kaniyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Facebook Comments